Mas maayos na water supply sa Metro Manila asahan — Maynilad

Mas maayos na water supply sa Metro Manila asahan — Maynilad

by Powered by DWIZ
0 comment 63 views

Inaasahang magiging maayos na ang water supply sa Metro Manila sa Mayo 14.

Ito ang tiniyak ng Maynilad sa gitna ng kanilang pagtugon sa pagkalat ng lumot sa Laguna de Bay.

Ayon kay Maynilad Corporate Communications Head Jennifer Rufo, sinimulan na nila ang water treatment sa paligid ng lawa.

Ang pagkalat ng lumot sa Laguna de Bay na isa sa mga water sources ng Maynilad ang sanhi ng  water service interruptions sa Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque maging sa imus at Bacoor, Cavite.

Nagsimula ang interruptions noong Abril 29 at tatagal hanggang Mayo 14.

—–
0 comment

Related Posts