Mas maagang operasyon ng LRT-2 asahan —LRTA

Mas maagang operasyon ng LRT-2 asahan —LRTA

by Powered by DWIZ
0 comment 21 views

Palalawigin na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang oras ng operasyon ng LRT line 2, mahigit isang linggo matapos masunog ang power transformer at rectifier nito sa Santolan station.

Ayon kay LRTA board secretary Atty. Hernando Cabrera, simula sa Lunes, October 14, sisimulan na ng 5a.m. ang operasyon ng LRT line 2 sa halip na 6a.m.

Ito ay bagama’t patuloy pa rin ang pagpapatupad ng partial operations ng LRT line 2 o biyahe ng tren mula Cubao hanggang Recto station at pabalik.

Oktubre 8 ng sinimulan ang partial operation ng LRT line 2 matapos namang masunog ang power rectifier nito noong Oktubre 3 —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).

0 comment

Related Posts