Marquez bilib kay Pacman na aktibo pa din sa boxing ring

Marquez bilib kay Pacman na aktibo pa din sa boxing ring

by Powered by DWIZ
83 views

Bilib si Mexican Legend Juan Manuel Marquez kay Senador Manny Pacquiao na aktibo pa rin sa boxing ring sa edad na 40 taon.

Sinabi ni Marquez na taglay pa rin ni Pacman ang bilis at lakas nito nang ipatikim kay American boxing champion Keith Thurman ang unang talo sa kanilang sagupaan noong Hulyo.

Subalit para sa tinaguriang ‘El Dinamita’ ang dapat na nanalo ay si Thurman na maraming suntok na pinakawalan at tumama sa katawan ng fighting senator.

Si Marquez ay pasok sa boxing greats na kinilala sa 2019 induction class na kinabibilangan nina Bernard Hopkins, Terrible Terry Norris, Joel Casamayor, Leroy Haley, Wayne Mc Cullough, Hasim Rahman, Humberto Chiquita Gonzalez, Vinny the Pazmanian Devil Paz, Ronald Winky Wright at Bobby School boy Chacon.

0 comment

Related Posts