Marine Maj. Gen. Nathaniel Casem pormal nang umupo bilang bagong pinuno ng Phil. Marine Corps

Marine Maj. Gen. Nathaniel Casem pormal nang umupo bilang bagong pinuno ng Phil. Marine Corps

by Powered by DWIZ
0 comment 23 views

Pormal nang umupo bilang bagong pinuno ng Philippine Marine Corps si Marine Major General Nathaniel Casem kapalit ni Marine General Alvin Parreño.

Kahapon, pinangasiwaan mismo ni Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad ang turnover ceremonies para sa dalawang opisyal sa headquarters ng marine sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Kasabay nito, muli namang nilinaw ni Empedrad ang ulat na hindi umano nila pagkakasundo ni Parreño sa usapin ng paghiwalay ng marine sa navy na dahilan naman kaya inilagay ang dating marine corps chief sa floating status.

Paliwanag ni Empedrad, layon ng maagang pagbaba sa puwesto ni Parreño ang mabigyan ng pagkakataong makapamuno ang mga junior officers ng marines.

Una nang umugong ang maagang pagreretiro ni Parreño matapos na isulong ang paghihiwalay ng marines sa navy at gawin itong major service kapantay sa army at air force.

0 comment

Related Posts