Ruta ng P2P buses umabot na sa 37
January 11, 2019
Bacolod Among ‘Most Active Growth Corridors’
January 11, 2019
Show all

Marijuana farm nadiskubre sa loob ng isang bahay sa Subic; 2 katao timbog

Arestado ang mag-live in partner na British national at isang Pinay matapos matuklasan ang marijuana farm sa loob mismo ng kanilang bahay sa isang subdivision sa Subic Zambales.

Isang kuwarto sa loob ng kanilang tahanan sa Magdalena Homes Subdivision ang nagsisilbing greenhouse kung saan naroon ang mga paso na may tanim na marijuana.

Abot sa pitumpung puno ng Kush, isang mataas na uri ng marijuana mula sa Afghanistan, Northern Pakistan at North Western India ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Drug Enforcement ng Central Luzon Police.

Kinumpiska rin ang cultivating equipment na ginagamit ng suspects sa mga tanim na marijuana.

(Ulat ni Jaymark Dagala) / Photo Credit: PDEA

 

 

 

 

Comments are closed.