Manual audit ng COMELEC para sa naganap na halalan umarangkada na

by Powered by DWIZ
0 comment
Manual audit ng COMELEC para sa naganap na halalan umarangkada na

Umarangkada na ang manual audit ng Commission on Elections o COMELEC para sa naganap na eleksyon.

Ito ay bilang pagsunod sa mandato ng Automated Election System Law kung saan isasagawa ang lumang paraan ng pagta-tally ng mga boto at ikukumpara ang resulta nito sa election return na inilabas ng Vote Counting Machine o VCM.

Gayunman, nasa 715 clustered precints lang and dumaan sa random selection na sasailalim sa manual audit.

Kapag sampung boto o mahigit pa ang discrepancy, ihihiwalay ang ballot box para magawan ng report ang clustered precint.

Katuwang ng COMELEC ang Legal Network for Truthful Elections o LENTE at Philippine Statistics Authority o PSA pagtutulungan nito ang isinasagawang random manual audit sa loob ng dalawang linggo.

Layon ng random manual audit ay matiyak ang kredibilidad ng naganap na halalan.

 

Related Posts