28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Manila Water inako ang pagkakamali sa water crisis

- Advertisement -

Inako ni Manila Water President Ferdinand Dela Cruz ang pagkakamali sa biglaang pagkawala o pagbaba ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila na sakop ng kanilang kompanya.

Ito’y sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development and Housing and Urban Development hinggil dito.

Humingi rin si Dela Cruz ng paumanhin at pang-unawa sa kanilang mga customer kaugnay sa nararanasang water crisis.

Sa ngayon anya ay sinisikap nila na patuloy na maibsan ang perwisyong dala ng water supply shortage.

Dagdag pa nito, posibleng sa katapusan pa ng Mayo magiging ganap na normal ang kanilang operasyon ng suplay ng tubig.


Manila Water, lumabag sa concession agreement; MWSS, walang kapangyarihang magpataw ng multa

Inamin ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System na may paglabag na nagawa ang Manila Water Company sa kanilang obligasyong magbigay ng patuloy na serbisyo ng suplay ng tubig sa kanilang mga nasasakupan.

Ito’y ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty sa isinagawang pagdinig sa Kamara hinggil sa isyu ng water crisis.

Gayunman, sinabi rin ni Ty na bagaman may paglabag na nagawa ang Manila Water ay walang kapangyarihan ang MWSS na magpataw ng multa o kaparusahan laban sa naturang water concessionaire.

Ang maaari lamang anya nilang gawin ay humanap ng ibang solusyon para maibsan at masolusyonan ang water crisis at pagbayarin ang Manila Water sa kung anumang halaga na gagastusin para rito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -