Dalawa pang miyembro ng Maute-ISIS sumuko na
January 12, 2019
Basura ng SoKor hahakutin na bukas
January 12, 2019
Show all

Manila Bay rehab posibleng pumalo sa 47-B piso

Posibleng abutin ng pitong taon at pumalo sa 47 bilyong piso ang gagastusin para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, susubukan ng pamahalaan na matapos ang rehabilitasyon na ito sa loob ng pitong taon.

Sinabi rin ni Antiporda na hindi magiging madali ang rehabilitasyon ng Manila Bay dahil sa tindi ng kontaminasyon sa tubig.

Samantala, iginiit rin ng opisyal na makasisiguro ang publiko na pursigido ang DENR na solusyunan ang problemang ito.

Nakatakdang namang umpisahan ang rehabilitasyon sa Manila Bay sa darating na Enero 27.

Comments are closed.