33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Manhunt operations laban kay Advincula inilunsad

- Advertisement -

Naglunsad ng manhunt operations ang PNP-CIDG laban kay Peter Joemel Advincula alias Bikoy.

Ikinasa ang pagtugis kay alias Bikoy makaraang makapasakamay ng PNP-CIDG ang warrant of arrest laban kay Bikoy na inilabas ng La Trinidad Benguet Municipal Trial Court dahil sa kasong illegal recruitment.

Nakasaad rin sa warrant of arrest na gumagamit ng ibang pangalan si Bikoy tulad ng Richard Benedict Santos, John Rafael Benedict Santos at RB Santos upang makaiwas sa mga pulis.

Samantala, kinasuhan rin ng estafa sa Department of Justice (DOJ) si Advincula ng isang kumpanyang ginamit nya sa pagsasagawa ng beauty pageant sa polangui albay nuong Agosto ng nakaraang taon.

Batay sa reklamo ni Alvin Balmores, may ari ng isang kumpanyang nagbebenta ng pabango sa Albay, ginamit ni alias bikoy ang kanilang logo sa beauty pageant kaya’t sila ang hinabol ng mga hindi nabayarang production staff at mga nanalo sa patimpalak.

Mahigit sa P300,000 ang hinahabol ni Balmores mula kay alias Bikoy.

—–

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -