35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mandatory training para sa motor riders matagal nang hiling

- Advertisement -

Umani ng suporta mula sa motorcycle riders ang panukala na gawing mandatory ang training para sa mga nagmamaneho ng motorsiklo.

Ayon kay Atoy Sta. Cruz, Director for Administration ng Motorcycle Philippines Federation, matagal na nilang iminumungkahi sa Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng administrative order hinggil sa training ng motorcycle riders.

Sinabi ni Sta. Cruz na maaaring hikayatin ng mga motorcycle riders ang mga supplier ng motorsiklo na magbigay ng tamang training sa lahat ng bumibili sa kanila pero marami ang kumokontra kaya’t naudlot ang plano.

Ibinunyag ni Sta. Cruz na sa siyam na libong (9,000) riders na binigyan nila ng exam para sa mga simpleng traffic rules, pito (7) lamang dito ang pumasa.

Sa ilalim ng Senate Bill 1822, ginagawang mandatory ang training para sa mga motorcycle riders bago makapagrehistro ng kanilang motorsiklo sa LTO.

“Meron kaming ginagawang seminar sa umaga tapos meron kaming actual riding, sa exam talagang dadaan ka sa test na ‘yun, ang test na na ginagawa namin ay kinopya lang namin sa Amerika, circle siya, papasok ka dun hindi puwedeng lumabas ang gulong ng motor mo at hindi pupuwedeng ibaba ang paa mo, ang nagiging problema doon pa lang bumabagsak na, mga matatagal nang rider.” Pahayag ni Sta. Cruz

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -