28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mambabatas muling binuweltahan si Duterte

- Advertisement -

Muling binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Sen. Antonio Trillanes IV at Magdalo Rep. Gary Alejano, kaugnay sa alegasyon ng mga ito laban sa kaniya sa isyu ng katiwalian.

Sa isang pahayag ay hinamon ng pangulo si Alejano na ituro ang mga negosiyanteng hiningian niya ng pera sa loob ng 23 taon niyang panunungkulan bilang mayor ng Davao City.

Ayon pa sa pangulo, baka ang pamilya ni Trillanes ang sangkot sa “transactional government” dahil nagnenegosyo aniya ang nanay nito sa militar habang aktibo naman sa serbisyo ang ama nito.

Sinabi ng pangulo na habang nagpapakahirap sa training ang iba sa Philippine Military Academy (PMA), nagpapakasasa umano si Trillanes sa pera ng gobyerno sa tanggapan ng kaniyang mga magulang sa militar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -