28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad dumating na sa bansa para sa kanyang 2-araw na state visit

- Advertisement -

Dumating na sa Pilipinas si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad para sa dalawang araw nitong state visit sa bansa.

Lumapag sa Villamor Airbase sa Pasay City ang eroplanong sinakyan ng Malaysian prime minister dakong alas 7:40 kagabi.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakatakdang makipag pulong si Mahathir kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan inaasahang tatalakayin ang ekonomiya ng dalawang bansa.

Kaugnay nito, ibinahagi rin naman ni Panelo na maari ring pag usapan sa nasabing pulong ang isyu sa teritoryo sa Sabah Island.

Magugunitang noong nakaraang taon ay nagkaroon rin ng opisyal na pagdalaw si Pangulong Duterte sa Malaysia.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -