Malakanyang nanawagang wag nang palakihin ang isyu sa pagtanggap ng mga pulis ng regalo

Malakanyang nanawagang wag nang palakihin ang isyu sa pagtanggap ng mga pulis ng regalo

by Powered by DWIZ
128 views

Nanawagan ang Malakanyang na wag nang palakihin ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagtanggap ng mga pulis ng regalo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maliwanag naman na ang sinasabi ng pangulo ay pwedeng tumanggap ng regalo ang mga pulis kung ito ay ibinigay bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo.

Hindi naman anya sinasabi ng pangulo na bago magtrabaho, ay manghihingi muna ng regalo at kung tatanggap man ang mga pulis bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo, dapat ay token o maliit na halaga lamang ito.

Dagdag ng Palace official, dapat tiyaking hindi padulas ang regalo na isang uri ng korapsyon sa ilalim ng Saligang Batas.

0 comment

Related Posts