35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Malakanyang nagsalita na sa pag-aresto kay Trillanes

- Advertisement -

Nagsalita na ang korte na dapat sundin ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos magpalabas ng arrest warrant ang Makati RTC Branch 150 laban kay Trillanes kaugnay sa kahilingang arrest warrant at HDO ng DOJ.

Sinabi ni Roque na tulad ng palagiang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, nirerespeto ng Palasyo ang anumang pasya ng korte hinggil sa isyung kinakaharap ng senador.

Inihayag ni Roque na dapat itigil ni Trillanes ang drama ng presscon kaya kung mayroon man siyang gustong sabihin ay mabuting idiretso na niya ito sa korte.

Una nang binawi ni Duterte ang amnestya kay Trillanes at kaagad nag mosyon ang DOJ sa Korte na ipaaresto ang senador.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -