Malakanyang ikinabahala ang pagkakasangkot ng isang Pinoy sa nangyaring pagsabog sa Sulu

by Powered by DWIZ
0 comment
Malakanyang ikinabahala ang pagkakasangkot ng isang Pinoy sa nangyaring pagsabog sa Sulu

Labis nang ikinababahala ng Malacañang ang naging kumpirmasyon ng o Philippine National Police na Pinoy ang isa sa mga suicide bomber sa nangyaring pagpapasabog sa Sulu.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala sa karakter o kaugalin ng mga Pilipino ang magpakamatay para lamang sa terorismo.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Panelo na inatasan na ng pangulo ang mga otoridad na mas paigtingin pa ang teknolohiya at pamamaraan para sa surveillance at intelligence work.

Ayon pa kay Panelo, ipinanawagan rin nila sa publiko na mag ingat at agad na ipagbigay alam sa mga otoridad kapag may napansing kahina-hinalang bagay o tao.

Matatandaang, walo katao ang nasawi sa naganap na suicide bombing sa Indanan, Sulu noong Hunyo 28.

Related Posts