Malakanyang dumipensa sa pag-aalis ng security detail ni Sen. Trillanes

0
56

Itinanggi ng Malakanyang ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes na tinanggal ito ng security details.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa ibinigay na impormasyon ng Philippine National Police, binawi ang dalawa sa anim na security detail nito dahil apat lamang ang pinapayagan para dito.

Iginiit ni Roque, inalis lamang sa senador ang sobrang police escort na itinalaga sa kanya.

Dagdag pa ng kalihim na mas kinakailangan ang PNP para panatilihin ang kaligtasan ng komunidad.

Magugunitang, kinumpirma ni Trillanes na tinanggalan siya ng security detail matapos mag-expire ito noong katapusan ng Hunyo.