30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mala-kudeta na pagpapalit ng liderato ng Kamara malabong maulit – Defensor

- Advertisement -

Malabong maulit ang mala-kudeta na pagpapalit ng liderato sa House of Representatives noong ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor, lahat naman ng kandidato para maging House Speaker ay rumirespeto sa announcement ng Pangulong Rodrigo Duterte na hati ng termino sina Cong. Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco.

Sa katunayan, ang pinagkaka-abalahan anya ngayon sa Kamara ay pagsasaayos ng mga komite.

Sinabi ni Defensor na mananatili si Cong. Isidro Ungab na isa rin sa mga kandidato para sa House Speakership bilang chairman ng house appropriations committee samantalang ang House Speaker ang magtatalaga ng chairman ng accounts committee.

Matatandaan na bago ang SONA ng pangulo noong nakaraang taon ay napatalsik muna bilang speaker ng kamara si Cong. Pantaleon Alvarez at pinalitan ni Congresswoman Gloria Arroyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -