35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Makabayan Bloc magpapasaklolo na sa SC kontra ML extension sa Mindanao

- Advertisement -

Sasamahan ng ilang militanteng kongresista ang kanilang kapwa mambabatas na si Albay 1st Rep. Edcel Lagman upang idulog sa Korte Duprema ang planong palawigin muli ang martial law sa Mindanao.

Ayon kina Representatives Antonio Tinio ng Act Teachers Partylist at Sarah Elago ng Kabataan Partylist, maituturing ng isang kalabisan sa panig ng pamahalaan na muling palawigin ng isang taon ang batas militar.

Sinabi ni Tinio na wala ng dahilan upang muling palawigin ang martial law dahil mahigit isang taon nang tapos ang Marawi siege habang napatay at nahuli na ang ibang mga leader ng ISIS-Maute Terror Group.

Kumbinsido si Tinio na gagamitin ng administrasyon ang martial law extension upang manalo ang kanilang mga kandidato sa 2019 midterm elections.

Sa panig naman ni Elago, madaragdagan lamang anya ang mga kasong paglabag sa karapatang pantao ng mga pulis at militar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -