Maine Mendoza at Arjo Atayde hindi na tinatago ang kanilang ‘exclusively dating’ status

Maine Mendoza at Arjo Atayde hindi na tinatago ang kanilang ‘exclusively dating’ status

by Powered by DWIZ
117 views

Tila hindi na itinatago nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kanilang “exclusively dating” status.

Kasunod na rin ito ng pinakahuling litrato na ibinahagi ni Maine sa social media kung saan makikita sa kaniyang Instagram stories ang rare photo nila ni Arjo.

Sa larawan makikita na hayagang nakalagay ang kanang braso ni Arjo sa kanang braso naman ni Maine.

Ang litrato ay kinunan mula sa fundraising project na in-organize ni Maine kung saan ibinenta niya ang kaniyang personal na gamit at ang napagbentahan ay para sa isang organisasyong tinutulungan ng phenomenal star.

0 comment

Related Posts