33.3 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mahigit 700 patay sa pananalasa ng Cyclone Idai sa ilang bansa sa Africa

- Advertisement -

Umabot na sa mahigit 700 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Cyclone Idai sa tatlong bansa sa Africa.

Ayon sa mga otoridad, sumampa sa mahigit 400 ang idineklarang nasawi sa Mozambique.

Mahigit 200 naman ang nasawi sa Zimbabwe habang halos 60 naman sa Malawi.

Gayunman, ayon sa mga opisyal, posible pang tumaas ang naturang bilang.

Matutukoy lamang anila ang pinal na bilang ng mga nasawi kapag tuluyan nang humupa ang baha sa mga naturang lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -