- Advertisement -
Aabot sa mahigit 500 working VISA ng mga dayuhan ang kinansela ng B-I o Bureau of Immigration.
Ito ay kasunod ng i-kinasang “Massive Audit” ng B-I sa mga VISA Application ng 6 na kumpanya, kung saan umabot sa kabuuang 528 working visa ang kinansela ng B-I.
Nadiskubre kasi ng B-I na nag-sumite ng mga pekeng alien employment permits ang mga sangkot na kumpanya.
Gayunman, tumanggi naman si Immigration Chief Jaime Morente na tukuyin ang mga naturang kumpanya, habang ini-imbestigahan pa nila ito.
Samantala, mahaharap naman ang mga dayuhan sa pag-labag sa Philippine Immigration Act, at ilalagay din ito sa immigration blacklist ng bansa.
- Advertisement -