Mahigit 30 katao patay sa pananalasa ng Typhoon Lekima sa China

Mahigit 30 katao patay sa pananalasa ng Typhoon Lekima sa China

by Powered by DWIZ
176 views

Hindi bababa sa 30 ang kumpirmadong patay habang nasa 16 naman ang nawawala sa China sa pananalasa ng Typhoon Lekima.

Ayon sa ministry of emergency department ng China, nasa higit isang milyon na ang inilikas sa Zhejiang Province dahil sa labis na pag-ulan at pag-baha na dulot ng naturang bagyo.

Ayon pa sa mga opisyal ng China, pumalo na sa kabuuang 2.35 billion dollar ang kabuuang halaga ng pinsalang dulot ng pananalasa ng Typhoon Lekima simula nang mag landfall ito sa China noong Sabado.

Sa ngayon, tiniyak naman ng ministry of emergency department ng China na patuloy silang naka alerto habang mananatili pa rin namang kanselado ang 3,000 flight sa naturang bansa.

0 comment

Related Posts