Mahigit 10,000 sundalo ipakakalat para sa plebesito ng BOL

by Powered by DWIZ
0 comment
Mahigit 10,000 sundalo ipakakalat para sa plebesito ng BOL

Muling tiniyak ng Armed Forces of the Philippines o AFP na walang banta sa seguridad sa isasagawang plebesito para sa BOL o Bangsamoro Organic Law sa Enero 21.

Iyan ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato kasunod ng ilang insidente ng pag-atake ng mga bandido tulad sa Cotabato City noong bisperas ng bagong taon.

Ayon kay Detoyato, sinelyuhan na nila ang ilalatag na security measures katuwang ang PNP at COMELEC para mapigilan ang anumang tangkang panggugulo ng mga masasamang element.

Magugunitang aabot sa 10,400 mga sundalo ang ipinakalat ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal sa Mindanao para tiyaking magiging mapayapa at tahimik ang isasagawang plebesito.

“So far po, nag pre-deploy naman po ang tropa natin lalong lalo na sa afp, philippine army, and navy, nag de-deploy sila kasi nandoon na sila sa mga area noon pa, so it is just a matter of adjusting kasi may mga counts na lima hanggang pitong barangay lang so yun lang ating babantayan.”

 

(From IZ Balita Nationwide Sabado- Pangtanghaling Edisyon interview)

Related Posts