28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mahigit 100 patay sa pagsalakay sa Mali, Africa

- Advertisement -

Patay ang mahigit 100 katao sa nangyaring pagsalakay ng mga armadong kalalakihan sa Fulani Village sa gitnang bahagi ng Mali, Africa.

Ayon sa isang lokal na opisyal, pinalibutan ng mga armadong lalaki ang buong nayon bago nangyari ang naturang pag-atake.

Target umano ng mga kalalakihan na nakapandamit-tradisyonal ng mga tinaguriang Dogon hunter ang mga miyembro ng Fulani Ethnic Community.

Inilarawan naman ng mayor ng kalapit-nayon ng Fulani na si Cheick Harouna Sankare bilang isang “massacre” ang naturang pagsalakay.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang pangyayari.

Samantala, magugunitang taong 2018 nang nasa 100 katao rin ang napaslang sa sagupaan sa pagitan ng Dogon hunter at mga miyembro ng Fula Ethnic Group.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -