28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mahigit 100 kabahayan tinupok ng apoy sa Cebu

- Advertisement -

Nasa humigit kumulang 100 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos lamunin ng apoy ang nasa  may 120 bahay sa Lapu-Lapu City sa Cebu

11 ng gabi nitong Biyernes nang sumiklab ang sunog sa isang Residential Area sa Purok Ubre, Barangay Gun-OB sa nasabing lungsod na umakyat pa sa Task Force Alpha

2 ng hapon kahapon naman nang ideklara itong Fire Under Control ng mga kagawad ng pamatay sunog at tuluyang naapula makalipas ang 2 oras

Batay sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagmula ang sunog sa bahay ng isang Juanito Vaflor

Bagama’t wala namag naitalang sugatan o nasawi sa nasabing sunog patuloy ang isinasagawang imbestasyon dito ng mga tauhan ng BFP at inaalam ang sanhi at kabuuang halaga ng mga napinsalang ari-arian

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -