Magnolia pinataob ng Rain or Shine sa opening ng PBA Philippine Cup semifinals

by Powered by DWIZ
0 comment
Magnolia pinataob ng Rain or Shine sa opening ng PBA Philippine Cup semifinals

Nasungkit ng Rain or Shine ang unang panalo sa PBA Philippine Cup semifinals.

Ito ay makaraang pataubin ng Rain or Shine sa game 1 ang koponan ng Magnolia sa iskor na 84-77.

Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si rookie Jayvee Mocon na sumikwat ng 15 puntos habang nag-ambag naman si Gabe Norwood ng 13 puntos.

Ang game 2 sa pagitan ng Elasto Painters at Hotshots ay gaganapin sa the Big Dome bukas.

Related Posts