Magnolia Hotshots pasok sa final four ng 2019 PBA Philippine Cup

by Powered by DWIZ
0 comment
Magnolia Hotshots pasok sa final four ng 2019 PBA Philippine Cup

Buhay na buhay at nag-aalab pa ang pwersa ng Magnolia Hotshots nang masungkit nila ang huling puwesto sa final four ng 2019 PBA Philippine Cup.

Ito’y makaraang pataubin nila ang Barangay Ginebra Gin Kings sa kanilang gitgitang laban sa iskor na 85 – 71.

Nanguna sa Hotshots si Paul Lee na nakapagtala ng 25 puntos at limang rebounds.

Bigo naman si Jeff Chan na maipanalo ang kanilang koponan na nanguna sa kanyang iniambag na 17 puntos sa Ginebra.

Samantala, hindi naman makapaniwala ang coach ng Hotshots na si Chito Victolero sa kanilang pagkakapasok sa semi finals ngunit tiwala siya sa mithiin ng kanyang koponan tungo sa kampeonato.

Related Posts