28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Magnitude 5.6 na lindol tumama sa Albania

- Advertisement -

Sugatan ang 37 katao matapos tumama ang 5.6 magnitude na lindol sa bansang Albania.

Base sa report na inilabas ng United States Geological Survey hinggil sa lindol, naitala ang epicenter sa lalawigan ng Durres.

Anila, nasa 10 kilometro ang lalim ng lindol.

Gumuho ang ilang nagtataasang mga gusali at natabunan ang ilang mga sasakyan.

Naputol din ang supply ng kuryente at linya ng komunikasyon sa kabisera ng bansa na tirana at sa iba pang lugar.

Samantala, kinansela naman ni Albanian Prime Minister Edi Rama ang kaniyang New York trip at nakatakdang bumalik sa kanilang bansa para tignan ang pinsala ng lindol.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -