Mga OFW hinikayat na bumoto para sa 2019 midterm elections
February 12, 2019
3 pang arrest warrant laban kay Kenneth Dong isinilbi ng NBI
February 12, 2019
Show all

Magkapatid na JV at Jinggoy isinantabi ang kanilang iringan sa HNP kick off

Tila isinantabi na ng magkapatid na sina Senador JV Ejercito at dating Senador Jinggoy Estrada ang kanilang iringan.

Ito ay matapos itaas ng magkapatid ang kamay ng isa’t isa bilang pagpapakita ng suporta sa kick off campaign ng HNP o Hugpong ng Pagbabago sa San Fernando, Pampanga ngayong araw.

Kasama ng magkapatid na Ejercito – Estrada sa unang araw ng kampanya ang iba pang tumatakbong senador sa ilalim ng itinatag na regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Comments are closed.