Mag-asawang miyembro ng CPP-NPA arestado sa Bulacan

0
46

Arestado ang mag-asawang miyembro umano ng rebeldeng grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA sa Balagtas, Bulacan.

Kinilala ang mag-asawa na sina Oliver Rosales at Rowena Rosales, mga dating opisyal ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o COURAGE.

Ayon sa mga awtoridad, sinasabing mga opisyal din sina Rosales ng national government employees board ng CPP-NPA.

Nasakote ang dalawa habang pauwi mula sa pagtitinda ng ukay-ukay at nahaharap sa kasong arson na isinampa sa Cabadbaran, Agusan del Norte.

—-