28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Macalintal tatakbong senador sa 2019

- Advertisement -

Tatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng oposisyon ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.

Ito ang kinumpirma mismo ni Senador Kiko Pangilinan, presidente ng Liberal Party (LP).

Ayon kay Pangilinan, tanging sa entablado lamang ng oposisyon titindig si Macalintal.

Malinaw aniya ang posisyon ni Macalintal sa iba’t ibang usapin sa bansa lalo na sa hinahawakang kaso nito sa election protest ni Vice President Leni Robredo.

Samantala, sinabi naman ni Macalintal na ang mga panawagan mula sa mga kapwa niya senior citizens gayundin ng mga persons with disabilities (PWDs) ang nagtulak sa kanya na magpasiyang tumakbo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -