LRTA mayroong ‘risk management plan’, hindi ‘disaster plan’ — spox

LRTA mayroong ‘risk management plan’, hindi ‘disaster plan’ — spox

by Powered by DWIZ
0 comment 20 views

Nilinaw ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesman Atty. Hernando Cabrera ang ulat na wala silang disaster recovery plan.

Kaugnay ito ng nangyaring sunog sa LRT-2 kung saan apektado ang operasyon ng LRT sa ilang istasyon.

Ayon kay Cabrera, isa lamang itong hindi pagkakaintindihan sa mga terminolohiya.

Aniya, totoong walang ‘disaster plan’ ang LRTA dahil ang mayroon sila ay ‘risk management plan’.

Paliwanag nito, para sa isang government corporate entity, ang mayroon sila ay isang risk management plan dahil ang disaster recovery plan ay para sa mga local government unit (LGU).

Dagdag pa nito, sa kanilang risk management plan, saklaw rin nito ang disaster plan ng mga LGUs.

Actually, a matter of terminology ‘yon, wala kaming disaster plan but what we have is a risk management plan; ang disaster plan kasi refers to LGUs, kasi ‘yun ang tamang term for them, but for a government corporate entity like us, ang tawag namin doon ay risk management plan,” ani Cabrera. — sa panayam ng Ratsada Balita

0 comment

Related Posts