LRT 1 nagka aberya kaninang umaga

LRT 1 nagka aberya kaninang umaga

by Powered by DWIZ
0 comment 59 views

Ilang minutong naantala ang biyahe ng LRT Line 1 partikular sa mga tren galing Baclaran patungong Roosevelt.

Nabatid na alas 6:18 ng umaga nang mag abiso ang LRT 1 hinggil sa umiiral na 15 kilometer per hour speed restriction dahil sa nagka problemang tren.

6:24 ng umaga nang mag abiso ang LRT 1 na itigil muna ang operasyon ng mga tren mula Baclaran hanggang Roosevelt.

Ayon sa LRT 1, mayroong nagka problemang tren sa Blumentritt na kaagad namang inayos ng kanilang technician.

Makalipas ang dalawang minuto ay balik na sa normal ang operasyon ng LRT 1.

Subalit, pinayuhan ang mga pasahero na maglaan ng ilang minutong mas maaga sa kanilang biyahe dahil nagdulot ng paghaba ng pila sa ilang istasyon ang naranasang aberya.

0 comment

Related Posts