LRT-1 Cavite extension asahang masisimulan na

by Powered by DWIZ
0 comment
LRT-1 Cavite extension asahang masisimulan na

Asahang masisimulan na ang konstruksyon ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) Cavite extension na magdudugtong sa Metro Manila hanggang sa Cavite.

Ito ang inihayag ng Department of Transportation kung saan on-track na umano ang proyekto para maisulong ang konstruksyon ng proyekto.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan, mas mabuti kung tatanungin na lamang ang nakalipas na adminstrasyon kung bakit di agad nakapunta sa konstruksyon ng proyekto.

Inaasahang sa huling bahagi ng 2021 ay matatapos na ang pitong kilometrong LRT extension mula Baclaran hanggang Dr. A Santos Avenue sa Sucat, Parañaque.

Related Posts