30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

LP itinangging sila ang nasa likod ng planong pagpapa-bagsak sa Duterte admin

- Advertisement -

Pinalagan ng Liberal Party ang mga akusasyon ni Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’ na ang oposisyon ang siyang nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” videos at planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay LP President Kiko Pangilinan, ano na naman kayang isyu ang itinatago ngayon ng administrasyon kaya may ipinalalabas na namang kasinungalingan.

Anya, lagi na lamang idinadamay ang LP sa mga ouster plot na gawa – gawa lamang para pagtakpan ang palpak at kurakot ng administrasyon.

Una nang nagbitiw sa pwesto si Pangilinan bilang pangulo ng LP ngunit hindi pa ito tinatanggap ni Vice President Leni Robredo.

Samantala, sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin na walang kinalaman ang LP sa mga lumabas na Bikoy videos.

Wala aniyang katotohanan ang akusasyon ni alyas ‘Bikoy’ at nakakapagod aniyang pakinggan ang mga kasinungalingan nito.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Drilon sa Philippine National Police na alamin ang puno’t dulo ng Bikoy issue at sampahan ng kaukulang kaso ang nasa likod nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -