LP hiniling ang pagsasapubliko ng mga depektibong VCMs at SD cards nitong halalan

LP hiniling ang pagsasapubliko ng mga depektibong VCMs at SD cards nitong halalan

by Powered by DWIZ
0 comment 63 views

Hiniling ng Liberal Party sa COMELEC o Commission on Elections na ibunyag kung nasaan ang halos 2,000 depektibong vote counting machines (VCMs) at SD cards na ginamit nuong midterm elections.

Sa inihaing manifestation ng partido, inihirit din nito sa poll body na ilabas ang audit at system logs ng transparency server at technical report na magbibigay linaw sa pitong oras na delay sa transmission ng resulta ng mga boto.

Magugunitang bigo ang mga kandidato ng oposisyon na makapasok sa top 12 ng nagpapatuloy na canvassing ng senatorial result.


Lokasyon ng mga nagkaroon ng aberya sa VCMs at SD cards isasapubliko

Nangako ang Commission on Elections (Comelec) na isasapubliko ang mga lokasyon kung saan nagkaroon ng aberya ang mga vote counting machine (VCM) at SD cards nuong eleksiyon.

Kasunod ito ng naging panawagan ng Liberal Party (LP) na ilabas ang full technical report sa naging audit at system log ng transparency server ng komisyon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez,  nagsisimula na silang gawin ang naging suhestiyon ng naturang partido at sinimulan na itong gawin sa pamamagitan ng pag – release ng server logs sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Dahil sa nangyaring aberya, mahigit isang milyong mga registered voters ang naapektuhan ng mas mahabang pila at naantalang botohan nuong halalan.

—–

 

0 comment

Related Posts