Local official na kabilang sa ‘narco-list’ may hamon sa pamahalaan

by Powered by DWIZ
0 comment
Local official na kabilang sa ‘narco-list’ may hamon sa pamahalaan

Hinamon ngayon Culasi, Antique Vice Mayor Ariel Alagos ang pamahalaan na sampahan siya ng kaso kung mayroong matibay na ebidensya ang mga ito laban sa kanya.

Ito ang reaksyon ng bise alkalde matapos siyang makasama sa narco-list na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ng ni Alagos, hindi niya mabatid kung ano ang naging basehan ng pamahalaan para siya ay mabansagang narco-politician.

Kung tatanungin aniya ang kanyang mga kababayan ay nakatitiyak siyang sasabihin ng mga ito na wala siyang anumang kinalaman sa anumang operasyon ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Naniniwala ang bise alkalde na pulitika ang dahilan ng pagkakalagay ng kanyang pangalan sa narco-list lalo’t tumatakbo siya ngayon sa pagka-alkalde ng kanilang lugar sa ilalim ng National Unity Party (NUp).

Si Alagos ay kabilang sa limang opisyal mula sa Western Visayas na nasa ipinalabas na narco-list ni Pangulong Duterte na dati na ring napasama sa naturang listahan ng Pangulo noong 2016.

—-

 

 

 

Related Posts