31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Local na pamahalaan hinimok na i-prioritize ang konstruksyon ng evacuation centers

- Advertisement -

Hinimok ng DILG ang lahat ng lokal na pamahalaan na i-prioritize ang konstruksyon ng evacuation centers.

Sinabi ni DILG OIC Eduardo Anio na gamit ang LDRRM o Local Disaster Risk Reduction and Management fund ..uubrang magpatayo ang LGUs ng evacuation facilities na maagagamit ng mga residenteng maapektuhan ng mga kalamidad tulad ng bagyo o baha.

Dapat aniyang mag invest pra sa konstruksyon ng mga matitibay, ligtas at properly designed evacuation centers batay na rin sa national standards.

Ayon pa kay Anio, sa ngayon ay mga paaralan, covered courts at iba pang imrprastruktura ng gobyerno ang nagagamit bilang evacuation centers kayat kadalasang naaantala ang klase ng mga estudyante maging ang serbisyo ng mga opisina ng pamahalaan.

Bukod sa bagyo, inihayag ni Anio na kailangang matibay laban sa malakas na lindo ang mga itatayong evacuation centers na hindi naman aniya dapat itayo sa high risk areas at sa halip ay dapat malapit ang evacuees sa mga ospital at palengke at may access sa tubig, komunikasyon at kuryente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -