30.2 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Liza Soberano kinasuhan ang netizeng nagbantang gagahasain siya

- Advertisement -

Pinatulan ni kapamilya actress Liza Soberano ang isang netizen na nagsabing ipapa- rape niya ang aktres.

Ito ay matapos i-post ni Liza ang agarang pagsaklolo sa kaniya ng PLDT na nagkabit ng kaniyang internet connection kasunod ng reklamo niya sa mabagal na serbisyo ng converge.

Si Liza ay sinamahan ng kaniyang manager na si Ogie Diaz at abogadong si  Atty Jun Lim sa kaniyang panunumpa kay Quezon City Deputy City Prosecutor Irene Ressureccion.

Ayon sa abogado ng kapamilya actress ang naturang rape remark laban sa kapamilya actress ay paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 .

Tinawag na below the belt ni Liza ang naturang rape remark na aniya’y nakaka dismaya rin.

Sinabi ng aktres na panahon na para maging responsable ang ilan sa mga netizens na bagama’t entitled sila sa kanilang sariling opinyon, mahalaga pa ring irespeto ang pananaw ng kapwa tao lalo na online.

Hindi naman tinukoy kung sino ang nasabing netizen subalit empleyado umano ito ng converge.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -