35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Lima pang shipment ng iligal na droga hinahanap na ng PDEA

- Advertisement -

Lima pang shipment ng iligal na droga ang hinahanap ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Ito’y matapos madiskubre ng PDEA at Bureau of Customs o BOC ang tinatayang kalahating toneladang shabu na nagkakahalaga ng 4.3 billion pesos sa Manila International Container Port.

Gayunman, aminado si PDEA Director General Aaron Aquino na hindi pa nila matiyak kung nasaan ang mga kontrabando.

Bagaman sa Malaysia nagmula ang mga kontrabano, naghihinala naman si Aquino na maaaring ginamit lamang na trans-shipment point ang naturang bansa at sa China talaga nagmula ang mga droga.

Samantala, napag-alaman anya nila na empleyado ng local government unit sa Calapan City, Oriental Mindoro ang may-ari ng consignee na Vecaba Trading na si Vedasto Baraquel na hindi naman accredited ng BOC.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -