31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Liderato ng MILF umaasang mananalo sa plebisito ang BBL 

- Advertisement -

Umaasa ang Moro Islamic Liberation Front o MILF na mananalo sa plebisito ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sa Lunes, inaasahang isasabatas ng Pangulong Rodrigo Duterte ang BBL upang maisalang sa plebisito sa Nobyembre.

Ayon kay Mohaguer Iqbal, dating chief negotiator ng MILF sa peace talks, 85 hanggang 90 porsyentong naaayon sa nilagdaan nilang peace agreement noong 2014 ang BBL.

Masaya anya ang MILF sa bersyon ng BBL na ipinasa ng mga mambabatas kaya’t umaasa silang susuportahan rin ito ng kanilang mga mamamayan sa plebisito.

Panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino nalagdaan ang peace agreement sa MILF subalit nabigo ang Kongreso na maipasa noon ang BBL.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -