Pagtaas ng SSS contribution isasabatas na ng Kongreso
November 9, 2018
Palasyo walang timeline sa rehabilitasyon ng ‘Yolanda-hit areas’
November 9, 2018
Show all

Libu-libong pamilya nakatira pa rin sa danger zone sa Tacloban City

Libu-libong pamilya pa rin ang nakatira sa danger zones sa Tacloban City dalawang taon matapos ipag utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisan ang pagtatayo ng pabahay para sa mga survivor ng bagyong Yolanda.

Ipinabatid ito ni People Surge President Efleda Bautista sa gitna na rin nang paggunita sa ika-limang anibersaryo nang pananalasa ng super typhoon.

Inamin naman ni Tacloban City Vice Mayor Jerry Yaokasin ang mabagal na recovery efforts.

Wala aniyang choice ang ilang residente kundi hintayin na lamang kung ano ang plano sa kanila ng gobyerno.

Batay sa datos ng Tacloban City Housing Office mahigit 17,000 pamilya ang nangangailangan ng permanenteng resettlement subalit 5,000 pa lamang ang may bahay hanggang nitong Abril 2018.

Comments are closed.