Lebron James hindi makakapaglaro sa World Cup ngayong taon

by Powered by DWIZ
0 comment
Lebron James hindi makakapaglaro sa World Cup ngayong taon

Hindi makakalaro si NBA MVP Lebron James sa World Cup sa China ngayong taon.

Subalit, ipinabatid mismo ni James na posible siyang makapaglaro para sa defending champion na US team sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Sa nakalipas na labing apat na taon, ngayon lamang hindi nakapasok si James sa NBA Play-offs matapos tuluyang malaglag para sa finals ang team nitong Los Angeles Lakers.

Kasabay nito, ibinalita ng website na the Athletic na sisimulan na ngayong taon ni James habang off season ang NBA ang pag-shoot ng Space Jam 2 na sequel sa Space Jam movie na pinagbidahan noon ni Michael Jordan.

Ang Space Jam 2 ay nakatakdang ipalabas sa July 2021.

—-

 

 

 

 

Related Posts