Lebel ng tubig sa ilang pangunahing dam sa Luzon patuloy na bumababa

by Powered by DWIZ
0 comment
Lebel ng tubig sa ilang pangunahing dam sa Luzon patuloy na bumababa

Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa ilang pangunahing dam sa Luzon.

Ito ay batay sa pinaka huling tala ng PAGASA Hydrology Division kung saan bumagsak na sa 186.35 meters ang water level sa Angat Dam ngayong araw.

Mas mababa ito sa naitalang 186.87 meters kahapon kung saan halos pitong metro na lang bago ito tuluyang bumagsak sa 180 meters na critical water level.

Samantala, hindi naman nabawasan at nanatili sa 68.48 meters ang water level sa La Mesa Dam.

Sa ngayon, tiniyak naman ng PAGASA na patuloy ang kanilang monitoring sa mga nasabing dam dahil sa nararanasang tag tuyot sa bansa bunsod ng El Niño.

Related Posts