Lebel ng tubig sa Angat dam posibleng pumalo sa critical level sa katapusan ng Abril

by Powered by DWIZ
0 comment
Lebel ng tubig sa Angat dam posibleng pumalo sa critical level sa katapusan ng Abril

Inaasahang papalo sa critical level ang Angat dam sa katapusan ng Abril.

Ito’y batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig ng Angat dam kasabay ng pagsisimula ng panahon ng tag-init.

Kaninang umaga ay pumalo na sa 195.91 meters ang lebel nito mula sa normal high water level na 212 meters.

Samantala, ang naturang pagbaba ng lebel ng mga dam sa bansa ay bunsod ng nararanasang El Niño phenomenon na nagreresulta naman sa madalang na pag-ulan.

Related Posts