Lebel ng tubig sa Angat Dam patuloy paring bumababa

Lebel ng tubig sa Angat Dam patuloy paring bumababa

by Powered by DWIZ
91 views

Patuloy pa rin sa pagbaba ang lebel ng tubig ng Angat Dam sa kabila ng patuloy na pag ulan.

Ayon sa PAGASA Hydrology, kaninang alas 6:00 ng umaga nasa 158.27 meters ang water level ng Angat Dam mas mababa sa 158.38 meters na water level kahapon.

Samantala, bahagya namang nadagdagan ang tubig ng Ipo Dam na ngayon ay nasa 100.43 meters mula sa dating 99. 35 meters kahapon.

Nadagdagan din ang La Mesa Dam, Ambuklao, Binga, San Roque at Pantabangan Dam.

Habang nabawasan naman ang water level ng Magat at Caliraya.

0 comment

Related Posts