Lea Salonga nagbigay ng opinyon sa bagong aktres na gaganap bilang Darna

by Powered by DWIZ
0 comment
Lea Salonga nagbigay ng opinyon sa bagong aktres na gaganap bilang Darna

Nagbigay ng opinyon ang broadway star na si Lea Salonga sa kanyang mga nais na katangian ng isang aktres na gaganap bilang pinay super hero na “Darna”.

Ito’y kasunod ng tuluyang pag-atras ng aktres na si Liza Soberano sa naturang role makaraang magtamo ito ng injury sa daliri.

Ayon sa Twitter post ng broadway star, ikalulugod niyang makita kung isang morena o kayumanggi ang gaganap bilang Darna.

Pagpapakita anya ito ng kapangyarihan at kagandandahan ng tunay na ganda ng mga Pinay.

Nais din anya nito na kung maaari ay hindi pa kilala ng nakararami ang aktres na gaganap rito upang ang tunay na istorya ang lumutang at mas tangkilikin ng mga manonood at hindi lamang dahil sa mga artistang gaganap sa pinaka-inaabangang re-make ng Darna.

Samantala, maging ang mga netizens ngayon ay nagpapahayag ng kani-kanilang mga opinyon kung sino nga ba sa kanilang mga idolong aktres ang swak na tawaging bagong “Darna”.

Related Posts