Lea Salonga itinangging wala na sya sa ‘The Voice Kids’

Lea Salonga itinangging wala na sya sa ‘The Voice Kids’

by Powered by DWIZ
0 comment 30 views

Itinanggi ni Filipino broadway star Lea Salonga na tinanggal na siya bilang isa sa mga coach ng reality singing contest na The Voice Kids.

Ginamit ni Lea Salonga ang kanyang Facebook page para sabihing fake report ang kumakalat na balita.

Sa kanyang post, makikita ang screenshot ng mga balitang wala na siya sa singing contest at nilinaw na fake ang lahat ng ito.

Pinag-iingat din niya ang publiko sa mga aniya’y ‘fake reports’.

Ayon kay Salonga, nagbebenta raw ng mga bogus na produkto ang mga gumawa ng naturang balita.

Matatandaang naging biktima rin ng fake news si Lea noong buwan ng Hunyo nang gamitin ang kanyang pangalan para makahingi ng donasyon.

0 comment

Related Posts