Ilang mambabatas nanawagan kasunod ng measles outbreak sa bansa
February 10, 2019
Surigao City Lgu Nagdawat Kuman Nan Mga Mamahimong Scholars Ubos Sa Free Education Act Pinaagi Sa Tesda
February 11, 2019
Show all

Lalawigan ng Surigao del Norte niyanig ng magkasunod na lindol

Niyanig ng magkasunod na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte, kagabi.

Alas-10:33 nang unang tumama ang magnitude 5.1 sa bayan ng General Luna.

Natunton ang sentro nito tatlumpu’t siyam (39) na kilometro hilagang-silangan ng naturang bayan.

Makalipas ang anim na minuto ay niyanig naman ang General Luna ng magnitude 4.2 na natunton ang sentro limampu’t isang (51) kilometro hilagang-silangan ng nabanggit na lugar.

Naitala ang intensity 4 sa General Luna, intensity 2 sa Surigao City, intensity 1 sa Borongan City, palo, Leyte, Gingoog City at Cebu City dulot ng unang pagyanig.

Wala namang nasugatan o napinsala sa lindol habang wala ring inaasahang aftershocks.

—-

 

 

 

 

Comments are closed.