3 cabinet members sinugo para alamin ang sitwasyon sa lugar na sasalantain ng Bagyong Ompong
September 14, 2018
Duterte: ‘Nobody is interested to arrest him’
September 14, 2018
Show all

Lalawigan ng Isabela inilagay na sa Signal no. 2

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang babala ng bagyo bilang dalawa sa lalawigan ng Isabela bunsod ng papalapit nang Bagyong Ompong.

Batay sa pinakahuling datos mula sa weather bureau, napanatili ng bagyong ompong ang pinakamalakas na hanging aabot sa 205 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 250 kilometro bawat oras.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 740 kilometro silangan ng Infanta, Quezon o 485 kilometro silangan – hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.

Patuloy na kumikilos ang Bagyong Ompong sa direksyong pa kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Posibleng hagupitin ng malakas na hangin ang naturang lalawigan mula 60 hanggang 120 kilometro bawat oras sa susunod na 24 oras.

Kasunod nito, nananatili ang babala ng bagyo bilang isa sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas bunsod ng lawak ng rain band nito na nasa siyam na kilometro.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng Signal No. 1 ang Batanes, Cagayan, Babuyan Group of Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Quirino at Nueva Vizcaya.

Gayundin ang Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon, Polilio Islands, Northern Occidental at Oriental Mindoro, Lubang Island, Masbate, Marinduque.

Maging ang Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Islands, Ticao Island at Northern Samar.

Comments are closed.